Dahil sa aktibong monitoring at surveillance na ginagawa ng Department of Health-Region 10 ay na-detect nito ang dalawang Delta variant sa dalawang lungsod sa Northern Mindanao.
Ito’y makaraang isiwalat ng DOH central office na sa 16 na Delta variant cases, anim dito ay mula sa Misamis Oriental, lima sa Cagayan de Oro City, at isa naman sa Gingoog City.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, karamihan naman sa mga nasabing pasyente ay gumaling na.