Nadetect ang unang dalawang kaso ng Omicron subvariant na BA.5 sa dalawang taong mula sa Central Luzon.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, walang naitalang travel history ang mga naturang pasyente maliban sa pagpunta sa kanilang polling precinct sa Metro Manila.
Ani Vergeire, agad na naghiwalay ang mag-asawa matapos makaranas ng ubo at sipon at ngayon ay asymptomatic at nakarecover na rin.
Dagdag pa ni Vergeire, mayroong dalawangg close contacts ang naturang mga pasyente kung saan patuloy na nag-a-isolate matapos magpositibo ang isa sa mga ito sa virus.
Matatandaang, nuong nakaraang buwan ay nakapag-ulat ang DOH ng unang omiCron BA.4 subvariant sa isang Returning Filipino mula sa Middle East.