Muling nakapagtala ang DOH o Department of Health ng dalawa pang kaso ng pagkamatay dahil sa dengue sa lalawigan ng Cavite.
Ayon kay Dr. Nelson Soriano, Head ng PESU o Cavite Provincial Epidemiology and Surveillance Unit, ang mga biktima ay mula sa Barangay Kaybagal South Poblacion sa Tagaytay City at Barangay San Vicente II sa bayan ng Silang.
Gayunman, batay sa monitoring ng PESU, pumalo na sa 368 dengue cases ang kanilang naitala sa unang bahagi ng taong kasalukuyan na mas mababa naman sa 821 cases sa kaparehong panahon noong 2016.
By Jelbert Perdez