Bineberipika na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang dalawang kaso ng pagkasawi kung may kinalaman sa pananalasa ng bagyong Gardo at Henry.
Sa panayam ng DWIZ kay Bernardo Rafaelito Alejandro IV, Assistance Secretary ng NDRRMC, nagmula sa Ilocos at Ifugao ang dalawang napaulat na nasawi.
Sinusuri pa ng ahensiya ang dalawang kaso dahil posibleng dahil sa habagat pumanaw ang mga ito at hindi dahil sa bagyong Henry at Gardo.
Sa huling datos ng NDRRMC, limang pamilya lamang ang naapektuhan ng bagyong Henry sa bansa na nananatili sa evacuation centers sa Basco, Batanes.
Wala pa namang napaulat ang ahensiya na hindi madaanang kalsada, nawalan ng kuryente at na-stranded sa mga pantalan dahil sa bagyo, maging ang mga nasira sa agrikultura at imprastruktura.