Patay ang dalawa katao sa Mandalay sa Myanmar matapos paputukan ng mga otoridad sa dispersal operations sa kilos protesta laban sa nangyaring kudeta.
Ayon sa isang volunteer doctor isa sa mga biktima na nakilalang si Mya Thwe Khaing, 20 anyos ay nabaril sa ulo habang ang isa naman ay tinamaan ng bala sa dibdib na ikinasawi kaagad ng mga ito.
Ipinabatid naman ni Ko Aung, pinuno ng Parahita Darhi Volunteer Emergency Service Agency na 20 katao ang sugatan sa insidente kung saan daan-daang demonstrador ang nagtipun tipon sa isang Shipyard sa ikalawang pinakamalaking lungsod sa Myanmar.
Iginigiit ng mga raliyista ang pagtatapos ng Junta at pagpapalaya kay civilian leader Aung San Suu Kyi at iba pa.
Una na umanong pinagbabato ng mga raliyista ang mga pulis na gumanti sa pamamagitan nang pagpapaputok ng baril at paghahagis ng tear gas.