Natagpuang wala ng buhay ng mga pulis sa isang maliit na bahay sa Southwestern Germany ang dalawa katao.
Naganap ang insidente sa Wailerbach, malapit sa lungsod ng Kaiserslautern at Ramstein air base.
Ayon sa mga pulis, hindi muna nila pinapalabas ang mga residente hangga’t hindi pa nahuhuli ang gumawa nito sa isang lalaki at babae.
Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring insidente.