Patay ang 2 katao habang sugatan naman ang 14 sa naganap na pamamaril sa Texas sa Estados Unidos.
Ayon sa mga otoridad, kasagsagan ng homecoming party sa A&M University Commerce sa Greenville nang maganap ang pamamaril.
Hanggang sa ngayon ay inaalam pa rin ng pulisya kung sino ang nagsimula ng insidente at kung ano ang motibo nito.
Ikinasa na rin ang imbestigasyon hinggil dito.
Samantala, nagpaabot na ng panalangin ang pamunuan ng unibersidad sa pamilya at kaibigan ng mga biktima.