Dalawang katao ang patay at dalawa ang lubhang nasugatan matapos masagasaan ng kotse sa Germany.
Nangyari ang insidente matapos na tumawid sa pedestrian ang isang 50 taong gulang at ilang katao malapit sa tram stop sa suburban sa Leipzig.
Habang sumalpok naman sa stop light ang naturang sasakyan matapos makabangga ng ilang residente.
Ayon naman sa mga otoridad, isang 85 taong gulang na babae at isang 80 taong gulang na lalaki ang nasawi habang ang ibang residenteng naapektuhan ay agad namang dinala sa ospital upang magamot ng mabuti.— sa panulat ni Rashid Locsin