Dalawang empleyado ng bangko ang patay habang 22 iba pa ang sugatan sa pambobomba sa lungsod ng Lashio, Myanmar.
Naganap ang insidente malapit sa Regional Health Ministry building ng Shan State.
Hindi pa tukoy ng militar kung sino o anong grupo ang nasa likod ng pagpapasabog.
Matatagpuan sa Shan State ang ilang Ethnic Insurgent Group na nakikipaglaban sa militar.
Posted by: Robert Eugenio