Dalawa katao ang patay habang sampu ang sugatan sa pagtagilid ng isang cargo truck sa Toledo City, Cebu.
Kinilala ang mga nasawi na sina Maria Janila Bantoy, 52 taong gulang at Antonieta Villarmia, 53 taong gulang.
Ayon kay PO3 Carlos Barluado ng Toledo Police Station, nawalan ng preno ang truck driver sa papaliko umanong kalsada.
Kargado ng mga gulay mula sa Carbon Public Market at ihahatid na sana sa Toledo at Balamban, Cebu nang maganap ang trahedya.
Agad namang ikinulong ng Toledo Police Station ang tsuper ng truck.