Patay ang dalawa katao habang walong iba pa ang sugatan matapos gumuho ang isang lumang tatlong-palapag na gusali sa Pakistan.
Batay sa ulat, dakong 3:00 ng madaling araw nang mangyari ang pagguho kung saan natutulog pa ang ilang residente ng nasabing gusali sa lungsod ng Kurachi.
Ayon sa Deputy Commissioner ng Karachi, kanilang inaasahan na tataas pa ang bilang ng mga nasawi habang patuloy ang kanilang isinasagawang search and rescue operations.
Sa kasalukuyan ay hindi pa matukoy ang dahilan ng pagguho pero tinitignan ng mga otoridad ang kalumaan ng nasabing gusali.
- Krista De Dios