Patay ang dalawa katao sa nangyaring sunog sa barangay Kasanyangan sa Zamboanga city.
Ayon sa mga otoridad, na- trap sa loob ng kanilang bahay ang mga biktimang sina Lakibul Musad 78 anyos, at Paul Janalde 60 anyos.
Kasama ang bahay nina Musad at Janalde sa higit 100 kabahayan na naabo sa nangyaring sunog.
Pansamantalang nanunuluyan ang mga apektadong pamilya sa Kasanyangan Elementary School.
Habang patuloy naman na inaalam ng Bureau of Fire sa pinagmulan ng naturang sunog.
By: Rianne Briones
SMW: RPE