Dalawa ang patay matapos masunog ang isang pampasaherong bus sa Fairview, Quezon City.
Batay sa inisyal na ulat ng QC Bureau of Fire Protection, kinilala ang isa sa mga nasawi na si Amelene Sembana, babaeng konduktor ng bus at isang hindi pa nakikilalang lalaki.
Batay sa ulat, nangyari ang insidente pasado alas-12:57 ng tanghali sa panulukan ng Pearl Drive at Commonwealth Avenue.
Ayon sa ilang mga nakaligtas na pasahero ng bus, bago ang insidente nagkaroon ng pagtatalo ang konduktor at isa pang pasahero.
Kuwento naman ng driver ng bus na si Valentino Obligasion, binuhusan ng lalaking pasahero ng hinihinalang gas ang konduktora na naging dahilan ng pagliyab ng apoy na siyang kumalat sa buong bus.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.
https://twitter.com/dwiz882/status/1345624550403235840