Patay ang 2 katao sa ikinasang anti-carnapping operations ng mga tauhan ng PNP-HPG Highway Patrol Group sa Manila – Cavite Road.
Nakilala ang mga nasawi na sina Chief Master Sergeant Julius Arcalas ng Cavite Highway Patrol Team at Methusael Cebrian, isang negosyante at kalaunan ay nakumpirmang asawa ng isang opisyal ng Philippine Navy na may ranggong Lieutenant Senior Grade na nakatalaga sa Sangley Point sa Cavite City.
Una nang sinita ang kulay green na SUV ni Cebrian na bigong makapagpakita ng mga dokumentong magpapatunay na pag-aari niya ang sasakyan kasabay nang pagpapakilalang miyembro ng Philippine Navy bagamat wala ring mailabas na ID.
Sa pagmamatigas ni Cebrian isinara ng driver nito ang bintana ng sasakyan at makalipas ang ilang minuto ay bumaba ito at nagpaputok bitbit ang isang bushmaster rifle na nakapatay kay Arcalas.
Una pang nagtago sa likod ng Suv si Arcalas at team leader ng grupo na si Capt. Eduardo Joy Guadamor dahil sa patuloy na pagpapaputok ni Cebrian sa direksyon ng mga otoridad habang nakuha pa nitong magpalit ng magazine.
Kaagad namang naka responde ang iba pang tauhan ng HPG kaya’t napatay din ang suspek habang nasawi naman si Arcalas habang isinusugod sa Cavite Medical Center.
Ang street sweeper namang nakilalang si Eduardo Magbana ay tinamaan ng bala sa hita.
Mabilis namang tumakas ang driver ng SUV na na si Raymond Zuniga.