Patay ang dalawa katao habang apat ang idineklarang nawawala matapos ang nangyaring landslide sa Barangay Osiao, Sorsogon City, matapos ang paghagupit ni bagyong Usman.
Kinilala ng Province’s Disaster-Mitigation Office ang mga nasawi na sina Gilbert Desunia at Gerald Despabiladeras, habang nakilala naman ang mga nawawala na sina Dominador Esquivel, Leonel Diaz, Magno Diaz, at Franklin Olavere.
Samantala, apat naman sa mga nasugatan sa pagguho at patuloy ngayong nilalapatan ng lunas sa Sorsogon Provincial Hospital ay Sina Mark Diolata, John Carlo Lorill, John Robert Marcaida, at Arjay Dulpina.