Patay ang 2 katao matapos ang pag sabog sa isang military base sa Russia.
Sumabog ang isang liquid propellant jet engine habang sinusubukang paganahin sa isang missile testing center sa Nyonoksa Russia na ikinasawi ng dalawang experto.
Sugatan naman sa nasabing insidente ang 6 na kawani ng Defense Ministry at isang developer.
Pinangangambahan naman ng mga karatig na lugar ang posbilidad ng pagkalat ng radiation dahil sa nasabing pagsabog ngunit pinawi naman agad ito ng defense ministry.
Ayon sa ministro, wala silang nakitang anumang nakakasamang kemikal sa kapaligiran at nanatili naman sa normal ang radiation level.
Taong 2015 nang makaranas ng parehong insidente ang Nyonoksa matapos namang masunog ang isang sinusubukang cruise missile.