Dead on the spot sina Wilson Magday, 37 anyos at Sonny Gulla, 44 anyos, habang dalawang iba pa ang sugatan matapos pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek sa may bahagi ng Purok Kwatro, San Isidro Village, Isabela.
Ayon sa tagapagsalita ng Isabela Police Office na si Superintendent Ronald Laggui, 12:00 ng madaling araw kanina nang maganap ang pamamaril sa mismong bahay ng mga biktima habang mahimbing na natutulog ang mga ito.
Kinilala ng pulisya ang dalawang sugatan na sina Imee Magday, 13 anyos, anak ng nasawing si wilson at Beathris Gulla, na may-bahay naman ni Sonny.
Patuloy ngayong inaalam ng pulisya ang motibo at pagkakakilanlan ng mga tumakas na gunmen.