Patay ang dalawa (2) katao at sugatan ang labing pitong (17) iba sa naganap na riot sa loob ng Metro Manila District Jail sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City noong Martes ng gabi.
Ayon kay BJMP Chief Jail Director Serafin Barretto, pito (7) sa mga sugatan ang nasa kritikal na kondisyon at nasa infirmary ng nasabing district jail.
Hindi pa pinangalanan ng mga otoridad ang mga nasawi at sugatang preso sa sagupaan ng Sputnik at Bahala na Gang, pasado aalas-7 ng gabi.
Sinabi ni Barretto na limang (5) araw nang mawalang supply ng kuryente ang naturang bilangguan at ito aniya ang posibleng nagpatindi ng tensyon sa pagitan ng dalawang grupo.
Naihiwalay na aniya nila sa ibang preso ang mga lider ng dalawang gang.
By Judith Estrada – Larino