Patay ang dalawa katao at isa ang nasa kritikal na kondisyon sa Tondo, Maynila matapos uminom ng homemade alcohol mix na mayroong thinner.
Nabatid na ang mga magkakapitbahay sa Baseco Compound na sina Rene, Bodoy at Dandy ay gumawa ng sarili nilang alak gamit ang kape, suka at sotftdrinks sa gitna na rin nng umiiral na liquor ban sa lungsod ng Maynila.
Sinasabing ilang araw nang iniinom ng mga naturang residente ang naabing homemade alcohol nang magsala ng paint thinner ang isang kasamahan nila at nag udyok na isama ito sa nasabing mixture.
Si Rene ay nakita na lamang ng kaniyang kapatid na si Leni na wala nang malay at bumubula na ang bibig.
Samantalang si Boboy naman ay nagreklamo na wala siyang makita bago natagpuang wala ring malay sa daan at sinugod naman sa ospital subalit nasawi rin.
Nasa kritikal namang kondisyon sa PGH ang ikatlong biktima