Tuluyan ng naging bayolente sa ikatlong araw ang mga kilos protesta kontra gobyerno sa iba’t ibang panig ng Iran.
Dalawa na ang nasugatan matapos tamaan ng bala sa kalagitnaan ng demonstrasyon sa lungsod ng dorud habang sinilaban din ng mga raliyista ang ilang police vehicle at government buildings.
Sinunog din ng mga demonstrador sa Abhar City ang mga naglalakihang banner na may larawan ni Iranian supreme leader Ayatollah Ali Khamenei habang sinunog din sa lungsod ng Arak City headquarters ng pro-government Basij Militia.
Sa kabisera na Tehran, malaking bilang ng mga raliyista ang nagtitipon-tipon sa Azadi square dahilan upang umatras ang mga pulis at sundalo.
Iginigiit ng mga raliyista ang pagwawakas sa clerical rule o pamumuno ng mga Shia Islamic leaders sa Iran.
Ito na sa ngayon ang pinaka-malaking kilos-protesta simula nang ilarga ang malawakang pro-reform rallies noong 2009.