Arestado ang dalawang indibidwal na nagbebenta ng mga pekeng produkto sa magkahiwalay na operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa lungsod ng Maynila at lalawigan ng Bulacan.
Nasabat mula sa suspek at cashier ng isang electric bike accessories shop na si Rhea Barrameda Nabus ang nasa 80,000 pesos na halaga ng 127 piraso ng pekeng voltmeter sa Baliuag, Bulacan.
Nasa 50,000 pesos naman na halaga ng pekeng statement shirt na highminds ang nakumpiska mula sa dealer na si Luiegi Balasbas sa Sta. Ana, Maynila.
Samantala, pinaalalahanan ni PNP-CIDG Director, Brig. Gen. Ronald Lee ang publiko na huwag tangkilikin ang mga pekeng produkto, lalo ngayong holiday season. – sa panulat ni Hannah Oledan