Dalawang empleyado ng Malakanyang ang sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng Agrilink, Foodlink at Aqualink sa World Trade Center kahapon, inihayag ni Pangulong Duterte na ang kanyang hakbang ay bahagi pa rin ng kampanya ng kontra katiwalian at korapsyon ng pamahalaan.
Bagama’t hindi na pinangalanan pa ng Pangulo ang mga sinibak nitong kawani, sinabi nito na ginagamit ng mga ito ang kanilang impluwensiya at ipinagmamalaking malakas sila dahil nagtatrabaho sa Malakanyang.
Kasabay nito, hinikayat ni Pangulong Duterte ang publiko na magsumbong at tumawag sa 8888 Hotline para sa mga reklamo laban sa mga empleyado ng pamahalaan.