Nahuli ang dalawang “Most Wanted Persons” matapos ang ikinasang magkahiwalay na manhunt operation ng Zambales Police.
Kinilala ang mga suspek na sina John Dumapit, 50 anyos at Christian Meva, 44 anyos na mga pawang residente ng naturang lalawigan.
Ayon sa report ng pulisya, nagkasa ng manhunt operation ang Iba Municipal Police Station laban kay Dumapit makaraang mag-isyu ng warrant of arrest si Judge Marifi Chua ng Regional Trial Court Branch 70 ng Iba, Zambales noong Enero 18, 2017.
Ang mga naaresto ay kasalukuyang nakakulong na sa himpilan ng pulisya sa Iba at Sta. Cruz. —sa panulat ni Kim Gomez