Naghimas ngayon ng malamig na rehas na bakal ang dalawang kilabot umanong holdaper matapos madakip ng mga awtoridad sa Makati City.
Ang mga suspek na sina Joel Trigero at Roman Jhay Bituon ay nahuli sa dragnet operation ng Makati City Police Station sa Estrella St. malapit sa Edsa kasunod ng holdapan na naganap sa isang convenience store sa Brgy. Palanan.
Bukod sa paglabag sa curfew at wala ring lisensya, nahulihan din sina Trigero at Bituon ng dalawang baril at mga bala.
Ang mga suspek na ngayo’y nahaharap sa kasong roberry ay positibo ring kinilala ng mga personnel ng Mini-Stop na siyang humoldap sa kanila.