Magsasanib ang Senate Blue Ribbon Committee at Senate Committee on Health para imbestigahan ang isyu ng bakunang dengvaxia.
Ayon kay Senador JV Ejercito, nagkaroon na noon ng imbestigasyon ang Blue Ribbon hinggil sa mahigit tatlong bilyong pisong pondo na ipinambili sa dengvaxia subalit tila hindi ito natapos ng komite.
Sa pagkakataong ito anya ay sasama ang kanyang komite sa imbestigasyon dahil naging isang napakalaking health issue na ang dengvaxia.
Aalamin anya sa imbestigasyon kung ano na ang ginagawang aksyon ng Department of Health para malaman ang kalagayan ng halos walong daang libong mga bata na naturukan ng dengvaxia.
Tututok naman anya ang Blue Ribbon sa di umano’y dalawang beses na pakikipag pulong ni dating pangulong noynoy aquino sa mga opisyal ng Sanofi, ang manufacturer ng dengvaxia noong 2014 sa China at 2015 sa Paris.
Sabi ko nga, hindi naman itong kwestyon ng legality o illegality, but a question of unethical o ethical kasi silang hindi supplier tapos tayo ang magpro-procure, it was done prior to the actual procurement, medyo hindi rin naman maliit ang halaga nito, it was 3.5 billion pesos