Bigo ang dalawang Kongresista at mga kasapi ng Malaysian Parliament na makabisita kay Senador Leila de Lima sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.
Hinarang ng mga pulis sa gate 2 ng kampo sina Ifugao Congressman Teddy Baguilat at Akbayan Partylist Representative Tomasito Villarin kasama ang ilang myembro ng ASEAN Parliamentarians on Human Rights.
Ayon sa isang opisyal ng headquarters support service may direktiba na huwag papasukin ang mga mambabatas dahil walang go signal ang hiling ng mga itong mabisita si De Lima.
Sinabi naman nina Baguilat at Villarin na nagtataka sila kung bakit hindi sila pinahintulutang makabisita kay De Lima gayong September 6 pa lamang ay nagpadala na sila ng request batay na rin sa 10 day notice requirement ng mga bibisita.
Nagkaruon pa ng negosasyon subalit hindi talaga pinayagan ang mga mambabatas na makita si De Lima.
SMW: RPE