Umani ng batikos mula sa mga netizens si House Deputy Speaker Johnny Pimentel matapos umano nitong awayin at intrigahin si San Jose Del Monte (SJDM) Bulacan Rep. Rida Robes.
Una nang pinagalitan ni Pimentel si Robes nang magdesisyon ang kinatawan ng SJDM na lumipat sa National Unity Party (NUP).
Aniya, inabandona ng party leaders ang karamihan sa kanilang partymates sa kasagsagan ng pagtatalaga ng committee chairmanships at membership.
Sinabi din ni Pimentel na ang desisyon ni Robes na tumalon sa NUP ay ginawa nito “in bad faith” dahil ang paglipat umano niya ay nangyari nang siya ay pangalanan bilang chairperson ng Committee on People’s Participation na ipinagkaloob sa kanya ng PDP Congressional Leaders.
Subalit ayon sa ilang mga supporters ni Robes, marahil may dahilan ang paglipat ng kongresista ng SJDM sa NUP.
Gayunman, sinabi ng isang Win Adazul na nagkomento sa isang artikulo sa balita hinggil kay Robes na mas mainam siguro kung deretsahan na kinausap na lamang ng personal ni Pimentel ang kapwa niya mambabatas sa halip na ibulalas ang kanyang galit sa pamamagitan ng media.
Sabi naman ng isang Heather Lombre, hindi nang-iwan ang kanilang kinatawan na si Robes at batid umano ito ni Pimentel bilang deputy dpeaker.
Binatikos din nito si Pimentel sa pagiging “disrespectful” umano sa babae.
Ayon naman kay Don Mogarte, isang taong malapit kay Robes, sa halip na buweltahan ang mga malisyosong paratang ni Pimentel ay mas nanaig sa kongresista ang lubos na pagpapasalamat sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng mga kapwa mambabatas.