Nagtalaga na ng kapalit si Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa 2 kontrobersyal na Deputy Commissioner ng Bureau of Immigration.
Ito’y makaraang masangkot sa usapin ng suhulan sina Deputy Commissioner Al Argosino at Michael Robles mula sa online gambling tycoon na si Jack Lam.
Batay sa nilagdaang Department Order 905 ni Aguirre, itinatalaga nito si Atty. Estanislao Canta bilang kapalit ni Argosino habang si Immigration Officer IV Jose Carlito Licas naman bilang kapalit ni Robles.
Ang pag-upo nila Canta at Likas ay epektibo sa Enero 11 ng susunod na taon hanggang sa makabalik ang 2 kontrobersyal na Commissioner na kasalukuyang naka leave of absence.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo