Pipilitin umano ng Kamara na maipasa bago sila mag-Lenten break ang dalawang kontrobersyal na panukala.
Inaprubahan na kagabi sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukalang ipagpaliban muli ang barangay at SK elections at absolute divorce and dissolution of marriage bill.
Nakasaad sa panukala na sa ikalawang Lunes ng Oktubre nais ilipat ng mga kongresista ang pagdaraos ng barangay at SK elections sa halip na sa darating na Mayo.
Lusot na rin sa second reading ang panukalang Absolute Divorce Act of 2018 sa pamamagitan ng viva voce votes.
Kapag naging batas ito papayagan ang mga naghiwalay na asawa na makapag-asawang muli ito man ay sa pamamagitan ng civil o religious ceremony.
—-