Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang dalawang dayuhang Koreano na wanted sa kanilang bansa matapos masangkot sa pagpapatakbo ng isang “online big-time illegal gambling”.
Kinilala ang mga inaresto na sina Kim Hyundou, 42-anyos at Lee Hyunjoo, 37-anyos na parehong pababalikin sa kanilang bansa dahil sa pagiging “undesirable” at “undocumented” matapos bawiin ang kanilang mga passport ng South Korean government.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, humiling at nag isyu ng summary deportation order at warrant of arrest ang South Korea para harapin ang mga kasong kriminal na isinampa laban sa mga suspek.
Sa ngayon inilagay na sa immigration blacklist ang dalawang puganteng Koreano upang maiwasan ang muling pagpasok ng mga ito sa bansa.—sa panulat ni Angelica Doctolero