Arestado ang dalawang Koreanong pugante na sangkot sa panloloko at panggigipit sa mga kapwa Korean sa magkahiwalay na operasyon ng mga otoridad.
Kinilala ang dalawa Korean national na sina yun Jong Sik na nadakip sa tinutuluyan nitong condominium unit sa Makati City at Lim Jong Keon na naaresto naman sa Parañaque City.
Ayon kay Bureau of Immigrations Fugitive Search Unit Chief Bob Raquepo, may apat na standing warrant of arrest is Yun sa South Korea dahil sa kasong extortion at pagpapanggap na miyembro ng international media parang manloko.
Habang kabilang naman sa Interpol Red Notice ang isa pang Korean fugitive na si Lim na nahaharap naman sa mga kasong pagbebenta ng mga pekeng smart phone at gadgets sa South Korea.
Samantala, inaayos na ng Bureau of Immigration ang proseso ng pagpapadeport sa dalawang Korean fugitives pabalik ng kanilang bansa.