Nasakote ng mga ahente ng Bureau of Immigration ang dalawang (2) Koreanong swindler na wanted sa kanilang bansa.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, nahuli sa magkahiwalay na operasyon sina Joon Jae Yul at Sun Yung Joo.
Unang nadakip ng Fugitive Search Unit si Yul sa kanyang inuupahang bahay sa Las Piñas City.
Samantala, sa Makati City naman nahuli si Joo.
Nakakulong ang dalawang Koreano sa Bureau of Immigration detention facility sa Camp Bagong Diwa habang hinihintay ang kanilang deportation.
Ayon kay Morente, hindi na sila makakabalik sa Pilipinas dahil kasama na sila sa immigration blacklist.
By: Avee Devierte / Aya Yupangco