Umabot na sa 2 ang nasawi dahil sa matinding pagbuhos ng ulan dala ng habagat na mas pinalakas pa ng bagyong Falcon.
Tinukoy ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga nasawi na sina John Kevin Jacinto 19-anyos, taga-Quezon City na sinasabing nadulas sa riprap kaya nahulog sa San Juan river at isang Korean national na nasawi habang nagda-diving sa Lapu-Lapu, Cebu.
Bukod sa mga nasawi, stranded naman ang 32 mga pasahero sa pantalan sa Aparri at Camarines Sur.
By Rianne Briones | Jonathan Andal