Dalawa ang katao ang patay habang tatlo naman ang sugatan matapos tumalon sa ika-apat na palapag ng gusali sa bansang Myanmar.
Ito ay matapos silang tumakas sa isang raid na isinagawa ng mga security forces sa nasabing bansa.
Ayon sa ulat, inaresto ng puwersa ng awtoridad sa bayan ng Yangon ang dalawang lalaki at isang babae sa isinagawang raid sa isang gusali roon.
Dahil dito, apat na kababaihan at kalalakihan ang napaulat na lumundag mula sa bintana ng ika-apat na palapag ng nasabing gusali para maiwasan ang pagkahuli, pero nasawi ang dalawa sa kanila.
Noong buwan pa ng Pebrero nagsimula ang kaguluhan sa bansang Myanmar, buhat noon ay higit 900 katao na ang nasawi at higit 7K na ang mga naaresto.—sa panulat ni Rex Espiritu