Dinampot ang dalawang lalaki matapos magtapon ng nakalalasong kemikal sa ilog ng Tuy sa Batangas.
Una nang ikinabahala ng mga residente sa lugar ang nakitang malalaking bula na mayroong masasang na amoy sa ilog na sakop ng Barangay Sabang.
Nag-trending pa sa social media ang mga larawan na kuha ng isang Darwin Mendoza dahil sa biglaang paglitaw ng malalaking bula.
Lumabas sa imbestigasyon ng Tuy Municipal Police Station na ang malalaking bula ay dulot ng mga itinapong kemikal sa ilog.
Naaktuhan ang mga suspek na nagtatapon ng galon-galong kemikal sa nasabing ilog.