Naghihimas ngayon ng malamig na rehas na bakal ang dalawang lalaki matapos masakote sa magkahiwalay police operations sa Taguig City.
Sa Pineapple St., Brgy. New Lower Bicutan, arestado ang isang Mastura Lampay matapos makuhanan ng kalibre .38 na baril, isang belt bag, higit 80,000 pesos na halaga ng umano’y shabu at limang daang pisong buy-bust money.
Sa isa pang operasyon sa Brgy. Fort Bonifacio, Taguig City, huli ang isa pang drug suspect na si Francisco Masangkay.
Sinilbihan ng search warrant mula sa korte si Masangkay na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek habang nasabat mula rito ang higit 148,000 pesos na halaga ng hinihinalang shabu.