Kalaboso ang dalawang lalaki na sinita lamang sa hindi pagsusuot ng face mask sa Bacoor City, Cavite.
Kinilala ang mga suspek na sina Alvin Ramos at Jonald Aquino.
Sa imbestigasyon, sinita ng mga barangay tanod ang dalawa dahil sa hindi pagsusuot ng face mask ngunit sa halip na sumunod ay nagalit ang mga ito at naghamon ng away.
Hinamon pa umano ang mga tanod ng patayan at saka nagbantang pasasabugin ang barangay hall.
Dahil dito, agad na ini-report sa pulis ang dalawa na ngayo’y sasampahan ng kaukulang reklamo.