Patay ang dalawang lalaki na di umano’y umiwas sa isang checkpoint sa San Jose Del Monte Bulacan.
Ito’y kasabay ng unang araw ng election period at ikinasang checkpoint ng COMELEC para sa May 2019 midterm elections.
Ayon sa pulisya, hinabol ng mga pulis ang dalawang armado ring lalaki na sakay ng isang motorsiklo nang takbuhan ang checkpoint sa naturang lugar.
Unang nagpaputok ng baril ang isa sa dalawang lalaking nakaenkwentro ng mga pulis.
Samantala, nagtamo rin ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga suspek na hindi pa nalalaman ang pagkakakilanlan.