Patay ang dalawang lalaki sa ikalawang gabi ng lumalawak na protesta na nag-ugat sa kakapusan ng suplay ng tubig sa Khuzestan Province sa Iran.
Ayon sa ulat, nakakaranas ng matinding tagtuyot ang ilang lungsod at bayan sa Iran kung saan maliban sa mga tao ay labis ding naaapektuhan ang agriculture at livestock farming.
Isiniwalat naman ni Acting Governor Omid Sabripour na isang raliyista ang nagpaputok ng baril sa ere pero biglang bumalik ang mga bala patungo sa mga nagpoprotesta na ikinasawi ng ilan sa mga ito.
Samantala, ibinunyag din ng residenteng si Mostafa Naimawi na napatay ang kanyang anak ng mga rioters at hindi ng mga kasapi ng government security forces.