Arestado ang dalawang lalaking may bitbit ng shabu sa bayan ngTtuy sa lalawigan ng Batangas.
Kinilala ang mga suspek na sina Mark John Mauricio, 37 anyos at Jeffrey España, 36 anyos.
Ayon sa Batangas Police, nagsasagawa sila ng inspeksyon para sa election gun ban sa isang checkpoint sa lugar, ngunit mabilis na tumakas ang mga suspek, na agad rin namang nakorner ng mga pulis.
Narekober ang dalawang sachet ng shabu sa loob ng bulsa at sa sling pouch ng mga suspek na napag-alaman ring kapwa walang lisensiya.
Samantala, nakakulong na ngayon sina mauricio at españa at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, pagmamaneho ng walang lisensya at sa paglabag sa election law.