Inaresto ng mga otoridad ang dalawang lalaki sa Victoria, Northern Samar dahil sa umano’y pananakot sa mga residente sa kanilang iboboto ngayong araw.
Nabatid na ang mga residente sa nabanggit na lugar ay nakatanggap ng pagbabanta sa dalawang inaresto na sinasabing dating miyembro ng New People’s Army (NPA).
Ayon sa 43rd Infantry Battalion, nakuha sa dalawang suspek ang submachine gun, 2 magazine at mga bala.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Victoria Police ang mga suspek, na nakatakdang sampahan ng mga kaukulang kaso.