Nasabat ng awtoridad ang P4.7-M na halaga na mga Smuggled Cigarettes sa isinagawang operasyon ng awtoridad sa Davao City.
Kinilala ng Davao City Police Office ang mga naarestong suspek na sina alyas Edgardo, 32-anyos at alyas Johnrey, 30-anyos
Nakuha sa mga suspek ang 150 kahon na naglalaman 7,500 reams na mga ipinuslit na sigarilyo
Tinurn-over naman sa tanggapan ng Bureau of Customs- Davao ang mga nakumpiskang iligal na sigarilyo, kasabay ng pagsasampa ng kasong paglabag sa National Internal Revenue Code of 1997 laban sa mga suspek.