Pinaghahanap ng Belgian authorities ang dalawang hindi kilalang lalaki na may koneksyon sa pangunahing suspek sa pagpapasabog sa Paris kamakailan.
Ang dalawa ay sinasabing gumagamit ng mga pekeng papeles at nagpapakilalang mga Belgian national.
Ang isa sa mga ito ang siyang nagta-transfer ng pera sa isa sa mga suspek na kinaunan ay napatay din ng mga pulis.
Sila rin umano ang nasa likod kaya nakapag-biyahe ang suspek na si Salah Abdeslam sa Hungary ilang buwan ang ginawang pagsabog sa Paris.
By Rianne Briones