Arestado ang dalawang lalaki matapos magsagawa ng operasyon ang Southern Police District o SPD Intelligence Division at District Special Operations Unit sa Taguig at Mandaluyong City.
Kinilala ang mga suspek na sina Nichol John Jerusalem at Bruce De Leon na parehong nagbebenta ng iligal na armas.
Nahaharap ngayon sa kaukulang kaso ang dalawang naaresto.—sa panulat ni Angelica Doctolero