Pansamantalang isasara ang dalawang lane sa bahagi ng NLEX o North Luzon Expressway ngayong linggo.
Sa anunsiyo ng NLEX Corporation, isasarado ang leftmost lane ng northbound at southbound simula alas 12:00 hanggang alas 4:00 ng umaga November 5, bukas at kinagabihan alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng umaga November 6, Miyerkules.
Gagawin ang pagsasarado para magbigay daan sa pagsisimula ng konstruksiyon ng bagong Bocaue Interchange Bridge.