Asahan na ang mabigat na trapiko sa Commonwealth Avenue bukas, Agosto 15 kasabay ng pagsisimula ng konstruksyon ng MRT-Line 7.
Batay sa abiso ng MRT-7 Project Traffic Management Task Force, isasara sa trapiko ang dalawa sa pitong lanes ng Commonwealth Avenue sa pagitan ng University Avenue at Central Avenue.
Ang nabanggit na konstruksyon ay inaasahang tatagal hanggang April 2018.
Samantala, binanggit din ng task force na sisimulan na ang konstruksyon ng Station 7 sa Manggahan area sa susunod na linggo.
Isang lane sa southbound lane ng Commonwealth Avenue, at dalawang lane sa northbound sa pagitan ng Katuparan at Kaunlaran Street ang nakatakdang isara.
By Meann Tanbio