Arestado ang dalawa umanong leader ng investment scam na Brandon Aviles Group sa serye ng operasyon ng Philippine National Police o PNP sa Batangas at Muntinlupa.
Dinakip ng PNP-CIDG o Criminal Investigation and Detection Group si Brandon Aviles sa Rosario, Batangas habang ang kanyang business partner na si Neil Ian Arias ay natimbog sa Alabang, Muntinlupa.
Ayon kay Senior Supt. Wilson Asueta, Director ng CIDG-NCR, kabilang sa mga nabiktima ng dalawa ang isang pulis na nag-invest ng 250,000 pesos sa United Aquafarm Ventures ng mga suspek sa Sta. Rosa, Laguna.
Gayunman, kalauna’y sasabihin ng mga scammer na na nalugi ang negosyo at hindi na mako-contact o makikita ng mga investor.
Napaniwala anya ang mga investor na makatatanggap sila ng malaking interes sa una hanggang ikatlong buwan subalit sasabihin.
Inaalam na ng mga awtoridad kung gaano kalaking pera ang tinangay nina Aviles at kung sino ang mga nabiktima ng kanilang modus.
—-