Dalawang lider ng mga grupo ng mga magsasaka ang dinampot ng mga otoridad sa magkahiwalay na operasyon sa Pampanga at Tarlac.
Kasabay nang pag kundena sa hakbangin kinilala ng Kilusang Magbubukid ng pilipinas ang mga inaresto na sina Joseph ‘JC’ Canlas, lider ng alyansa ng magbubukid sa gitnang Luzon at KMP vice chairperson at Pol Viuya, lider ng bayan Central Luzon at Workers Alliance of Region 3.
Sinabi ng KMP na bago arestuhin sina Canlas at Viuya ang mga ito ay nire red tag din at nababanggit sa mga tarpaulin at poster bilang recruiters ng NPA.
Ipinabatid naman ni Police Brigadier General Albert Ferro, hepe ng cidg na ang pag-aresto kina Canlas at Viuya ay bahagi ng nationwide simultaneous anti crime and law enforcement operation.
Si Canlas nahaharap sa kasong paglabag sa comprehensive firearms and ammunition regulation samantalang wala pang report sa ginawang pag aresto kay viuya.
Sina Canlas at Viuya ay dinala umano sa Camp Olivas sa San Fernando, Pampanga.