Inilarga na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dalawang-linggong dry run para sa pagbabalik ng mga provincial bus sa Edsa.
Ito’y makaraang mapaso na ang Inter-Agency Task Force (IATF) Resolution 101 hinggil sa uniform travel protocols kahapon.
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, nagbigay na ng go-signal ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa pagbabalik ng provincial buses sa Edsa.
Gayunman, simula alas-10 ng gabi hanggang ala-5 lamang ng madaling araw maaaring bumiyahe ang mga provincial bus sa naturang kalsada.
Kabilang anya sa preparasyon para sa “new normal” ang mga panukalang bagong traffic plans, gaya ng pagbabalik ng provincial buses sa Edsa, pagpapalawak ng number coding scheme at re-implementation ng Truck Ban Policy.