Ikinukunsidera ng DOH ang rekomendasyon ng OCTA Research Group na magpatupad ng dalawang linggong hard lockdown para matugunan ang banta ng COVID-19 Delta variant.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, III, mahalaga sa IATF ang mga datos, rekomendasyon at suhestiyon ng mga eksperto na nagtutulungan sa paggawa ng hakbang para mapigilan ang pagkalat ng virus sa bansa.
Sa katunayan aniya, hinihimok rin nila ang mga lokal na pamahalaan na mas lalong paigtingin ang active case finding, contact tracing, isolation at testing.
Ani Duque, kung siya ang tatanungin ay mas maigi na habang maaga pa ay mapigilan na ang lalo pang paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Personal view ko lang, na habang hindi pa tumataas ang mga kaso natin, although of course tumaas na rin no? Na mga 35-40% …NCR cases. Harinawa mapigilan natin ito bago pa ito sumipa ng 5,000 to 6,000 katulad nung nagka-surge tayo nung March and April. ” tinig ni Health Secretary Francisco Duque, III sa panayam ng DWIZ.